Kalihim ng DPWH binalaan ng IIEE
June 2, 2003 | 12:00am
Binalaan ng Institute of Integrated Electrical Engineers (IIEE) si Dept. of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Florante Soriquez na mahaharap sa ibat-ibang problema kapag pinirmahan nito ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng National Building Code (NBC) na pinaniniwalaang isinusulong ng mga kahina-hinalang opisyal ng DPWH na nakikipagsabwatan umano sa mga local building personnel.
Pinangangambahan ng IIEE, isang umbrella group ng sektor ng electrical industry sa bansa na may 75 chapters kasama na rito ang Saudi Arabia at Brunei, na magiging daan upang maging legal ang korupsyon sa permits section sa Local Government Units (LGUs) kung ang bagong IRR ay naisapinal nang hindi naikokonsidera ang mga posisyon ng IIEE.
Dahil dito , hiniling ni Manuel Lagman, IIEE president kay Soriquez na maging maingat sa pakikipag-usap hinggil sa mga konsultasyon ng mga nasabing sektor bago aprubahan ang IRR.
Sinabi din ni Lagman na nililinaw lamang ng IIEE sa substantive provisions ng IRR partikular na sa procurement ng electrical permits sa LGU level na madalas nababagsakan ng sisi sa mga naganap na killer fire tragedies kagaya ng Ozone Disco at Manor Hotel.
Idinagdag pa ni Lagman na sa binuong komite na pinangunahan ni DPWH Assistant Sec. Salvador Pleyto na dapat sanang magrerebisa sa nasabing IRR ay hindi dumarating sa mga itinatakdang pagpupulong maging ang mga orihinal na miyembro ng IIEE. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
12 hours ago
Recommended