Ang pahayag ay ginawa ni Presidential spokesman Ignacio Bunye kaugnay ng report ni Raymond Bonner ng New York Times News Service na sa nakalipas na anim hanggang siyam na buwan ay mayroong sinanay na mga recruits mula sa Indonesia, Malaysia, Pakistan at Gitnang Silangan sa hindi kinilalang lugar sa Mindanao.
Inihayag ni Bunye na hindi rin mapasubalian ng mga awtoridad ang nasabing ulat dahil ang terorismo ay mayroong pandaigdig na network at may posibilidad na ang organisasyong terorista ay nakapagtatag ng koneksyon sa ibat ibang bahagi ng Timog Silangang Asya. (Ulat ni Lilia Tolentino)