^

Bansa

Militar alerto sa Mindanao – Palasyo

-
Tiniyak ng Malacañang na palaging nakaalerto ang militar at lahat ng kinauukulang awtoridad para mapangalagaan ang seguridad at kapakanan ng mamamayan kasunod ng ulat na isang lugar sa Mindanao ang diumano’y sentro ng pagsasanay ng mga grupong terorista na kaalyado ng Al-Qaeda ni international terrorist Osama bin Laden.

Ang pahayag ay ginawa ni Presidential spokesman Ignacio Bunye kaugnay ng report ni Raymond Bonner ng New York Times News Service na sa nakalipas na anim hanggang siyam na buwan ay mayroong sinanay na mga recruits mula sa Indonesia, Malaysia, Pakistan at Gitnang Silangan sa hindi kinilalang lugar sa Mindanao.

Inihayag ni Bunye na hindi rin mapasubalian ng mga awtoridad ang nasabing ulat dahil ang terorismo ay mayroong pandaigdig na network at may posibilidad na ang organisasyong terorista ay nakapagtatag ng koneksyon sa iba’t ibang bahagi ng Timog Silangang Asya. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

AL-QAEDA

BUNYE

GITNANG SILANGAN

IGNACIO BUNYE

INIHAYAG

LILIA TOLENTINO

MINDANAO

NEW YORK TIMES NEWS SERVICE

RAYMOND BONNER

TIMOG SILANGANG ASYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with