Ito ay matapos aprubahan ng House committee on science and technology na pinamumunuan ni Manila Rep. Rodolfo Bacani ang panukalang batas na naglalayong imodernisa ang PAG-ASA.
Layon ng nasabing modernization program na bilhan ng mga modernong equipment tulad ng advanced observational and surveillance system para sa meteorological and hydrological elements, satellite-based communication network at computer-based workstation.
Sa ilalim ng panukala, ang PAG-ASA ay sasailalim sa anim na taong modernization program na susuportahan ng pondong mula sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR).
Maaari rin itong tumanggap o kumuha ng loans, grants, requests at donations mula sa foreign o local agencies at institusyon.
Bukod dito, pinapayagan din ng panukala na kumita ang PAG-ASA sa pamamagitan ng pagpataw ng fees o charges para sa pag-iisyu nito ng specialized weather information, certifications at scientific and technical publications.
Naniniwala si Western Samar Rep. Eduardo Nachura, awtor ng panukala na sa pamamagitan nito ay makakaasa na ang taumbayan sa tama o accurate weather forecasting and warning system mula sa PAG-ASA lalo na ngayong panahon ng tag-ulan. (Ulat ni Malou Escudero)