^

Bansa

PAG-ASA gagawin nang moderno

-
Hindi na magmumukhang kawawa ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA) pagdating sa mga lumang teknolohiya at makinaryang gamit nito.

Ito ay matapos aprubahan ng House committee on science and technology na pinamumunuan ni Manila Rep. Rodolfo Bacani ang panukalang batas na naglalayong imodernisa ang PAG-ASA.

Layon ng nasabing modernization program na bilhan ng mga modernong equipment tulad ng advanced observational and surveillance system para sa meteorological and hydrological elements, satellite-based communication network at computer-based workstation.

Sa ilalim ng panukala, ang PAG-ASA ay sasailalim sa anim na taong modernization program na susuportahan ng pondong mula sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR).

Maaari rin itong tumanggap o kumuha ng loans, grants, requests at donations mula sa foreign o local agencies at institusyon.

Bukod dito, pinapayagan din ng panukala na kumita ang PAG-ASA sa pamamagitan ng pagpataw ng fees o charges para sa pag-iisyu nito ng specialized weather information, certifications at scientific and technical publications.

Naniniwala si Western Samar Rep. Eduardo Nachura, awtor ng panukala na sa pamamagitan nito ay makakaasa na ang taumbayan sa tama o accurate weather forecasting and warning system mula sa PAG-ASA lalo na ngayong panahon ng tag-ulan. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

BUKOD

EDUARDO NACHURA

LAYON

MALOU ESCUDERO

MANILA REP

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORP

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

RODOLFO BACANI

WESTERN SAMAR REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with