Itoy matapos ibasura kahapon ng Malacañang ang ginawa nitong personal apology kaugnay sa mapanirang pahayag na hindi siya makatulog ng mahimbing sa Pilipinas dahil nangangamba siya sa kanyang seguridad.
"Puwede naman siyang bumili ng tiket at bumalik sa Japan. Bilang diplomat, puwede naman niyang hilingin sa kanilang gobyerno na hindi siya komportable sa kanyang assignment at gusto na niyang bumalik sa kanilang bansa," paliwanag ng opisyal na tumangging magpakilala.
"Kung sinasabi niyang hindi siya makatulog at ang problema niyang iyan ay isang taon na pala, bakit hanggang ngayon buhay pa siya? Bakit nandito pa siya," dagdag pa nito.
Ayon naman kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, hindi iaatras ng Palasyo ang pagsasampa ng diplomatic protest kahit humingi na ng paumanhin si Takano.
Sinabi ni Bunye na hihintayin na lamang ng Malacañang ang pormal na sagot ng Japanese government sa protesta ng Pilipinas.
Hindi umano maaaring palampasin ang mga masasamang sinabi ni Takano kaya kailangang mag-hain ng protesta. (Ulat nina Ellen Fernando/Ely Saludar)