^

Bansa

Apology ibinasura ng Malacañang: Takano pinalalayas

-
Pinayuhan ng isang mataas na opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Japanese Ambassador Kojiro Takano na mag-impake na at lumayas sa bansa sa lalong madaling panahon.

Ito’y matapos ibasura kahapon ng Malacañang ang ginawa nitong personal apology kaugnay sa mapanirang pahayag na hindi siya makatulog ng mahimbing sa Pilipinas dahil nangangamba siya sa kanyang seguridad.

"Puwede naman siyang bumili ng tiket at bumalik sa Japan. Bilang diplomat, puwede naman niyang hilingin sa kanilang gobyerno na hindi siya komportable sa kanyang assignment at gusto na niyang bumalik sa kanilang bansa," paliwanag ng opisyal na tumangging magpakilala.

"Kung sinasabi niyang hindi siya makatulog at ang problema niyang iyan ay isang taon na pala, bakit hanggang ngayon buhay pa siya? Bakit nandito pa siya," dagdag pa nito.

Ayon naman kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, hindi iaatras ng Palasyo ang pagsasampa ng diplomatic protest kahit humingi na ng paumanhin si Takano.

Sinabi ni Bunye na hihintayin na lamang ng Malacañang ang pormal na sagot ng Japanese government sa protesta ng Pilipinas.

Hindi umano maaaring palampasin ang mga masasamang sinabi ni Takano kaya kailangang mag-hain ng protesta. (Ulat nina Ellen Fernando/Ely Saludar)

vuukle comment

AYON

BAKIT

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

ELY SALUDAR

JAPANESE AMBASSADOR KOJIRO TAKANO

MALACA

PILIPINAS

PRESIDENTIAL SPOKESMAN IGNACIO BUNYE

TAKANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with