^

Bansa

Excise tax pinababasura

-
Iginiit kahapon ni Senator Tessie Aquino-Oreta kay Finance Secretary Jose Isidro Camacho na ibasura na nito ang planong pagpapatupad ng excise tax sa mga Asian Utility Vehicles (AUVs) sa darating na June 6 at hintayin na lamang ang magiging batas ng Kongreso ukol dito.

Sinabi ni Sen. Oreta, dapat ay tularan na lamang ni Sec. Camacho ang naging pananaw ng Board of Investment (BOI) na naunang tumututol sa panukala ng Senado subalit umayon na rin matapos mapag-aralang mabuti ang AUV-friendly excise tax ng mataas na kapulungan.

Magugunita na nanawagan na rin ang Automotive Industry Workers Alliance (AIWA) sa mga mambabatas at kay Sec. Camacho na ibasura ang pagpapataw ng excise tax sa mga AUVs dahil ang mga local assemblers ang tuwirang tatamaan ng bagong pagbubuwis na ito at mangangahulugan naman ito ng malawakang lay-offs sa kanilang sektor. (Ulat ni Rudy Andal)

ASIAN UTILITY VEHICLES

AUTOMOTIVE INDUSTRY WORKERS ALLIANCE

BOARD OF INVESTMENT

CAMACHO

FINANCE SECRETARY JOSE ISIDRO CAMACHO

IGINIIT

KONGRESO

MAGUGUNITA

RUDY ANDAL

SENATOR TESSIE AQUINO-ORETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with