Patay kay Chedeng 25 na
May 30, 2003 | 12:00am
Lumabas na sa bansa ang bagyong Chedeng ngunit nag-iwan ito ng 25 kataong patay habang 8 ang sugatan, 10 pa ang nawawala at dumarami ang inililikas.
Sa talaan ng National Disaster Coordinating Council (NDCC), grabeng nasalanta ng bagyo ang lalawigan ng Pangasinan kung saan 22 bayan nito ang naapektuhan at 400 barangay ang lumubog.
Tinaya ng NDCC sa P61.8 milyon ang nasirang pananim at fish pond samantala P52. 9M infrastructure ang nawasak.
Nakasira rin si Chedeng ng 318 bahay sa Regions I, III, IV, VI at Cordillera Autnomous Region.
Ipinag-utos na ni Defense Secretary at NDCC Chairman Angelo Reyes ang pagkakaloob ng relief assistance sa 1,757 pamilya na pansamantalang nasa 47 government evacuation centers sa buong bansa.
Nagpadala rin ang NDCC ng rescue teams sa Calasiao, Pangasinan para tumulong sa mga residenteng na-trap sa baha, salungat sa napaulat na kawalang aksiyon nito.
Ayon kay Reyes, nagbunga ng maganda ang pinaiiral na preparedness, mitigation, response at rehabilitation program sa NDCC. Aniya, higit na marami ang naging biktima ni Chedeng kung hindi naging maagap sa pagtugon at pagresponde ang NDCC at mga kinauukulang ahensiya kabilang ang DSWD, DOH, DPWH, MMDA, Phivolcs, Pag-asa at National Red Cross. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am