2 bangkay sa M/V San Nicolas narekober sa Manila Bay
May 29, 2003 | 12:00am
Dalawang naaagnas na bangkay ang narekober ng mga awtoridad habang palutang-lutang sa Manila Bay na pawang hinihinalang mga biktima ng lumubog na barkong M/V San Nicolas.
Unang narekober ang bangkay ng isang hindi pa nakilalang lalaki dakong alas-12:45 ng tanghali sa dagat sa tabi ng Roxas boulevard. Nadiskubre ito ni Jonard Cabrera habang naglalakad ito sa tabi ng dagat at napansin ang palutang-lutang na katawan.
Nang maiahon, nailarawan ang bangkay sa edad na 35-37, kalbo, maputi, nakasuot ng gray t-shirt at maong.
Narekober naman dakong alas-12:30 ng madaling araw kahapon ng mga residente ng Gate 4 Area H, Parola Compound, Tondo, Maynila ang bangkay ng isang hindi pa nakilalang babae na palutang-lutang sa bahang lugar ng barung-barong buhat sa dagat ng Manila Bay.
Nabatid na naaagnas na ang katawan nito na nakasuot ng kulay asul na Penshoppe t-shirt, nakaitim na pedal pants, puting bra, may suot na singsing at hikaw.
Wala namang natagpuang anumang external injury sa katawan ng dalawang bangkay kaya hinihinalang mga pasahero ang mga ito ng lumubog na M/V Sa Nicolas sa karagatan ng Corregidor ngunit itinaboy ng alon patungong Manila Bay. Patunay umano nito ang naaagnas nang katawan dahil sa matagal nang nakababad ang mga ito sa dagat.
Inaanyayahan ngayon ng pulisya ang posibleng mga kamag-anak ng mga biktima upang kilalanin ang mga ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended