Anomalya sa Napolcom umakyat na sa CA
May 26, 2003 | 12:00am
Nakarating na sa Court of Appeals ang mga katiwaliang nagaganap sa promosyon ng mga opisyal sa National Police Commission (Napolcom).
Ito ay matapos na kuwestyonin sa Appellate Court ng isang Police Major ang promosyon ni Western Police District Supt. Elmer Jamias kasama ang tatlong iba pa noong Agosto 1998 at ang naunang pagtataas ng ranggo kay Police Supt. Agripino Javier ng San Fancisco, San Antonio, Nueva Ecija kasama ang anim pang miyembro ng kapulisan noong Hunyo 1998.
Batay sa nakasaad sa 8-pahinang sagot ni Chief Insp. Jonathan Ablang sa komento ng Napolcom. Kinondena nito na talamak na ang pinaiiral na "bata-bata system" na aniya ay hadlang sa pagkakaloob ng promosyon sa mga karapat-dapat sa kanilang hanay.
Ayon kay Ablang, misleading ang dahilan ng Napolcom nang tanggihan ng ahensya ang kanyang kahilingan na maitaas siya sa ranggo.
Tinukoy nito na 19 -araw makaraan niyang ihain ang request for rank adjustment noong Hunyo, 1998 ay nagpalabas ng isang resolusyon (98-171) ang Napolcom na nagsasaad ng opisyal na pagkakaluklok bilang Police Supt. ni Javier at anim pang pulis.
Aniya, kasunod nito ay isa pang resolusyon (98-188) ang ipinalabas noong Agosto 9, 1998 na nag-aatas naman ng pagtaas ng ranggo ni Jamias bilang Police Supt. na binansagang "Barako ng Maynila".
Iginiit ni Ablang na hindi nararapat na gawing batayan ng Napolcomna nasa karapatan nito kung sino ang kanilang iluklok sa posisyon dahil hindi naman siya humihingi ng appointment kundi isang adjustment sa kanyang ranggo, alinsunod na rin sa itinatadhana ng batas sa promotion of any police officer na nasa kamay ng nasabing ahensya ng pamahalaan. (Ulat ni Grace A. dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am