^

Bansa

Viva Hot Babes hindi kagandahan – Joker at Barbers

-
Kung maraming kalalakihan ang nag-init sa mga miyembro ng Viva Hot Babes, hindi naman nakapasa sa panlasa ng mga senador ang alindog ng walong sexy stars.

Lantarang sinabi nina Senators Joker Arroyo at Robert Barbers na hindi pala kagandahan ang mga Hot Babes stars ng magtungo ang mga ito sa kanilang tanggapan nitong nagdaang linggo.

Ayon sa dalawang senador, napuno lang umano ng make-up ang mukha ng mga starlet kung kaya nagkaroon ito ng dating sa publiko lalo na sa mga kalalakihan.

"Mas maganda pa si Joy," sabi ni Sen. Arroyo na ang tinutukoy ay ang staff ni Sen. Francis Pangilinan na siyang kasintahan ngayon ni Tarlac Rep. Noynoy Aquino.

Matatandaan na nagtungo sa senado ang mga miyembro ng Viva Hot Babes upang palagdaan ang Optical Media bill na naglalayong putulin ang piracy ng CD, VCD at DVD sa bansa.

Inamin pa ni Arroyo na napilitan siyang pirmahan ang nasabing panukala dahil sa ayaw naman niyang mapahiya ang Hot Babes sa harap ng media.

Ang Viva Hot Babes ay kinabibilangan nina Maui Taylor, Katya Santos, Andrea del Rosario, Hazel Cabrera, Jen Rosendhal, Myles Hernandez, Gwen Garci at Kristine Jaca. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ANG VIVA HOT BABES

FRANCIS PANGILINAN

GWEN GARCI

HAZEL CABRERA

HOT BABES

JEN ROSENDHAL

KATYA SANTOS

KRISTINE JACA

MAUI TAYLOR

VIVA HOT BABES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with