^

Bansa

PIATCO nag-file ng motion

-
Binalewala ng Philippine Air Terminal Company (PIATCO) ang panawagan ng Malacañang na pag-usapan na lamang sa labas ng hukuman ang pagpapatuloy ng operasyon sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 matapos na humirit pa rin ito sa Supreme Court (SC) at hiniling na baligtarin nito ang naunang desisyon na nagbabasura sa kontrata sa gobyerno.

Sa 94-pahinang motion for intervention, sinabi ng PIATCO na masisira ang kredibilidad ng gobyerno sa mga foreign investors kung mababalewala lang ang mahigit sa 500 milyong dolyar na ginastos sa pagpapatayo ng nasabing terminal.

Iginiit nito na hindi sapat na basehan ang naging mga pagbabago sa mga nauna nitong kasunduan sa gobyerno para ganap na ipawalambisa ang nasabing kontrata.

Binigyang diin pa rin ng grupo na walang basehan ang naging desisyon ng SC dahil sa pangamba lamang na malugi ang terminal I at II ng NAIA, gayong lumalabas na mas pinaboran ng SC ang katotohanan na mayroong 30,000 mga manggagawa ang mawawalan ng trabaho.

Una nang nagpalabas ng desisyon ang SC noong May 5 na nagbabasura sa kontrata sa pagitan ng PIATCO at gobyerno. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BINALEWALA

BINIGYANG

CRUZ

GOBYERNO

IGINIIT

MALACA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT TERMINAL

PHILIPPINE AIR TERMINAL COMPANY

SUPREME COURT

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with