Presidente pa rin ako! Erap
May 24, 2003 | 12:00am
Muling humarap kahapon si dating Pangulong Joseph Estrada sa Sandiganbayan Special Division upang igiit sa korte na idismis ang kinakaharap niyang corruption charges dahil siya pa rin ang presidente ng Pilipinas at mayroon siyang "immunity from suit."
Sa pagtayo ni Estrada sa korte, nanindigan ito sa kanyang naunang posisyon na hindi niya kikilalanin ang hurisdiksiyon ng Special Division kasabay ang pahayag na hindi siya dapat litisin dahil iligal ang pagtanggal sa kanya sa posisyon at nananatili siyang pangulo ng bansa.
"Im sorry your honor, I did not recognize the jurisdiction of this court. My presence here is to challenge the jurisdiction of the court over my case," pahayag ni Estrada.
Kasamang dumating ni Estrada sa korte ang kanyang dalawang anak na sina dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada at kasalukuyang San Juan Mayor JV Ejercito. Dumating din sa korte ang ilan sa mga kaibigan ng dating pangulo na sina dating Senator Juan Ponce Enrile at Kit Tatad.
Ipinatawag ng korte sina Estrada at Jinggoy upang kumpirmahin ang kanyang pagkuha ng mga bagong abogado sa pangunguna ni Atty. Allan Paguia.
Bahagyang binira naman ng mga mahistrado ng Special Division si Atty. Paguia matapos dalhin sa korte ang lumang isyu na nauna nang niresolba ng Supreme Court.
Sa unang mosyon ng bagong abogado ni Estrada, kinuwestiyon nito ang hurisdiksiyon ng Special Division na litisin ang dating pangulo.
Ipinagtataka nina Associate Justices Edilberto Sandoval at Teresita Leonardo de Castro ang mosyon ni Paguia dahil naresolba na ng SC ang pagbibitiw ni Estrada sa pamamagitan ng Estrada vs. Desierto, Estrada vs. Arroyo at Estrada vs. Sandiganbayan.
Hindi nakapagbigay ng partikular na probisyon sa Konstitusyon si Paguia sa katanungan ni de Castro kaugnay sa kapangyarihan ng Sandiganbayan na baligtarin ang naunang pinal na desisyon ng Mataas na Hukuman.
Nilinaw ni Paguia na ang pagkuwestiyon sa hurisdiksiyon ng korte ang kanyang pakay at hindi ang napipintong presentasyon ng depensa ng ibat ibang ebidensiya.
Binigyan ni Sandiganbayan Presiding Justice Minita Chico-Nazario, chair ng Sandiganbayan Special at 5th Divisions, ang prosekusyon ng 10 araw para magbigay ng komento sa petisyon at 10 araw naman sa kampo ni Paguia para sagutin ang isusumiteng pahayag. (Ulat ni Malou R.Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am