^

Bansa

RP at Canada magpapalitan ng preso

-
Nilagdaan kahapon nina Justice Secretary Simeon Datumanong at Canadian Ambassador Robert Collete ang RP-Canada Treaty na naglalayong mapabalik sa kani-kanilang bansa ang mga sentensiyadong indibidwal upang doon pagsilbihan ang hatol na kaparusahan sa kanila.

Ayon kay Datumanong, magiging malaking tulong sa mga Filipino at mga Canadian na nahatulan ng iba’t ibang kaso sa magkabilang bansa ang naturang treaty dahil sa pamamagitan nito ay mas malapit sila sa kani-kanilang pamilya.

Ani Datumanong, ang pasanin ng isang bilanggo ay higit na mapapagaan kung ang kanyang prison term ay pagsisilbihan niya nang malapit sa kanilang pamilya at makatutulong din na mapabilis ang rehabilitasyon ng isang bilanggo.

Binigyang-diin naman ni Collete na ang konsepto nang paglilipat sa mga bilanggo ay bunsod na rin umano ng isang makataong layunin.

Memorable para sa bansang Canada ang paglagda sa treaty dahil ito ang ika-25 anibersaryo ng kauna-unahang prisoner transfer treaty na nilagdaan sa buong mundo noong 1978 sa pagitan ng Canada at US.

Ito naman ang pangalawang pagkakataon na pumasok ang ating pamahalaan sa kahalintulad na kasunduan kung saan ang una ay sa pagitan ng Pilipinas at Hong Kong.

Sa kasalukuyan ay mayroong limang Canadian na nakadetine sa bansa. Isa sa kanila ay nagsisilbi na ng kanyang parusa sa New Bilibid Prisons samantala ang apat ay naghihintay ng magiging desisyon ng korte.

Dalawang Pinoy naman ang nakakulong ngayon sa Canada ngunit di binanggit ang kanilang mga kaso. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

ANI DATUMANONG

AYON

BINIGYANG

CANADA TREATY

CANADIAN AMBASSADOR ROBERT COLLETE

CRUZ

DALAWANG PINOY

HONG KONG

JUSTICE SECRETARY SIMEON DATUMANONG

NEW BILIBID PRISONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with