^

Bansa

Karneng baka, tupa at kambing ng Canada bawal

-
Ipinatitigil ng Bureau of Animal Industry (BAI) kay Agriculture Secretary Cito Lorenzo ang importasyon ng karneng baka, tupa at kambing mula sa bansang Canada.

Ayon kay BAI Chief Pedro Molina, kailangang i-ban ang importasyon ng naturang mga karne mula Canada bunsod na rin ng mad cow disease na taglay ng mga nabanggit na hayop sa naturang bansa.

Pinayuhan na rin ni Molina ang mga tauhan na bantayang mabuti ang posibleng pagpuslit ng naturang mga karne sa mga entry points sa bansa para matiyak ang kaligtasan ng mga meat lovers.

May nakaamba rin anyang parusa sa sinumang importers na mag-aangkat ng mga banned items mula sa Canada.

Samantala, nilinaw naman ng Northern Luzon Stock Raisers na kahit na may ban sa importasyon ng tupa, baka at kambing mula Canada ay hindi kukulangin ang Pilipinas dahil sobra ang suplay ng lokal na industriya sa nabanggit na mga meat products. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

AGRICULTURE SECRETARY CITO LORENZO

ANGIE

AYON

BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY

CHIEF PEDRO MOLINA

CRUZ

IPINATITIGIL

MOLINA

NORTHERN LUZON STOCK RAISERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with