RP bilang non-NATO ally idinepensa ni GMA

Binuweltahan ni Pangulong Arroyo ang mga bumabatikos sa naging desisyon ng Estados Unidos na isulong ang pagkakasali ng Pilipinas bilang isang malapit na kaalyado ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) kahit hindi ito miyembrong alyansa.

"Some loud voices denounce a closer alliance with the US but let my state visit here send a message to those who peddle in the false currency of terror: The US can help us wipe out terrorism at home as it wipes out terrorism within its borders," matigas na pahayag ng Pangulo.

At dahil itinuring ang Pilipinas bilang non-NATO ally ng US, pag-iibayuhin ang mahigpit na seguridad sa Pilipinas dahil sa posibilidad na lalong mamiligro ang bansa laban sa posibleng pagsalakay muli ng mga terorista. Binigyang halimbawa ng Pangulo ang Indonesia na hindi naman kaalyado ng US pero inatake pa rin ng mga terorista.

Samantala, nilinaw ng Pangulo na siyam lamang ang umaandar o magagamit sa 29 helicopters na iniregalo ni US Pres. Bush. Ang 20 helicopters na hindi umaandar ay maaaring pagkunan na lamang ng piyesa. Ito ay sa dahilang nalaman ng mga Kano na mahina sa maintenance ang mga Pinoy.

Magbibigay ng technical assistance ang US para sa maayos na pagmamantine ng mga helicopters na maraming nakagarahe sa bansa. (Ulat nina Lilia Tolentino/Ely Saludar)

Show comments