^

Bansa

RP SARS-free na!

-
Tuluyan nang inalis ng World Health Organization (WHO) ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang apektado ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) at idineklarang libre na sa killer virus ang bansa.

Masayang ibinalita nina Dra. Ma. Consorcia Lim-Quizon, OIC ng Epidemiologist Center ng DOH at Dr. John Mark Olivey, WHO representative sa bansa, na tinanggal na ang Pilipinas sa listahan ng mga SARS affected countries makaraang wala nang naitalang bagong local spread kahit pa nagkaroon ng huling imported case noong Abril 30.

Nilinaw ni Quizon na hindi makakaapekto ang panibagong imported case na ito dahil sigurado ang DOH na walang local transmission na naganap sa mga ito dahil sa maagap ang pagsailalim sa kanila sa quarantine at incubation.

Humingi rin ng paumanhin si Olivey sa pamahalaan makaraang ma-misinterpret ng ibang bansa ang klasipikasyon ng WHO sa Pilipinas na naging dahilan upang magpalabas ng travel ban ang iba’t ibang bansa laban sa mga biyahero mula sa Pilipinas.

Inaasahan na aalisin na rin ng mga bansang nagpalabas ng travel ban ang kanilang advisory sa Pilipinas at malaya ng makakapunta ang mga Pilipino sa mga bansang nais nito. (Ulat ni Jhay Mejias)

ABRIL

CONSORCIA LIM-QUIZON

DR. JOHN MARK OLIVEY

DRA

EPIDEMIOLOGIST CENTER

JHAY MEJIAS

PILIPINAS

SEVERE ACUTE RESPIRATORY SYNDROME

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with