Civil war sisiklab sa Mindanao
May 21, 2003 | 12:00am
Nagbabala kahapon ang ilang mambabatas sa posibilidad na magkaroon ng civil war sa Mindanao kapag pinigilan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagtugis sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Sa isang joint statement, sinabi ng mga solon na hindi dapat tumigil ang AFP sa pag-atake sa MILF dahil siguradong mamamayan na ang kikilos kapag nabigo ang militar na sugpuin ang mga rebeldeng grupo sa Mindanao.
Ayon kay Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay, hindi dapat hadlangan ang AFP sa kanilang trabaho dahil ito na ang tamang panahon upang ipakita ng militar ang malakas nilang puwersa sa pamamagitan ng pagpulbos sa MILF.
Ipinagtanggol rin ni House Deputy Minority Leader Rolex Suplico ang militar at sinabing ipinapatupad lamang ng gobyerno ang batas sa ginawa nitong pag-atake laban sa MILF dahil hindi dapat isantabi at kunsintihin ng militar ang mga ginawang krimen ng MILF.
Nagbabala rin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ng pagsiklab ng civil war kung di haharapin ng buong tapang ang kampanyang terorista ng MILF.
"Hinahamon namin ang mga kritiko na magsabi kung paano mapapabuti ng militar ang kanilang pagtatanggol sa mga Pilipino. Puro salita lamang sila na walang naitulong sa pagsugpo ng MILF," ani Duterte.
Sinabi naman ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na ang naging aksiyon ng militar ay makakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng para-military groups o vigilantes sa Mindanao.
Maiiwasan din anya ang nangyari noong dekada 70 sa Mindanao kung saan mayroong "civil strife" sa pagitan ng Kristiyano at Muslim.
Noon anya ay nag-alsa na ang mga paramilitary groups upang ipagtanggol ang mga Kristiyanong komunidad sa mga separatistang Muslim.
Sa pagdaan ng mga taon, gumawa na rin ang mga ito ng mga abuso tulad ng pagpatay ng mga sibilyang Muslim. (Ulat ni Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am