Kampana ng Pinas na kinuha ng US pinababalik
May 21, 2003 | 12:00am
Dapat hilingin ni Pangulong Arroyo sa pakikipagpulong nito kay US President Bush na ibalik na nito sa Pilipinas ang Balangiga bell at bitbitin ito pauwi ng bansa ng Pangulo.
Sinabi ni Sen. Ralph Recto, hindi na dapat maghintay ng iba pang panahon ang US ipang ibalik sa bansa ang nasabing kampana na may 101 taon nang kinuha ni Gen. Jacob Smith mula sa Samar.
Wika pa ni Sen. Recto, kung magagawa ng Pangulo na hilingin kay Bush na agarang ibalik ang kampana ay huhupa na ang hidwaan ng US at RP ukol dito.
Aniya, marami nang pagtatangkang kunin ang nasabing kampana subalit patuloy na tumatanggi ang Pentagon kasabay ang pahayag na dapat mayroon itong basbas ng US Congress bago ibalik sa Pilipinas ang Balangiga bell. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended