^

Bansa

2 natitirang bihag ng Sayyaf nasagip

-
Matapos ang halos siyam na buwang pagkakabihag ay nasagip ng tropa ng Phil. Marines ang dalawa pang nalalabing bihag ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) matapos matunton ang pinagtataguan sa mga ito sa isinagawang matagumpay na search and rescue mission sa isang liblib na lugar sa Patikul, Sulu kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nailigtas na hostage na sina Norie Bendijo at Flora Mantolo. "They are safe now enroute to Zamboanga and will be presented to President Gloria Arroyo," pahayag ni Lt. Col. Daniel Lucero, hepe ng AFP-Public Information Office.

Nabatid na dakong 8:35 ng umaga ng mabawi ang mga bihag ng mga elemento ng 3rd Marine Brigade sa pamumuno ni Col. Nelson Aleaga at Marine Battalion Landing Team 4 sa ilalim ni Lt. Col. Mario Montejo sa Bgy. Canaguesa sa bayan ng Patikul.

Nakatanggap ng impormasyon ang tropa ng Phil. Marines na nakita ang ilang mga armadong ASG tangay sina Bendijo at Mantolo.

Agad na nagresponde ang mga elemento ng Phil. Marines pero naramdaman ng mga gutom at pagod nang mga bandidong kidnapper ang presensiya ng mga sundalo kaya napilitan ang mga itong magtakbuhan at abandonahin ang mga hostage bago pa man makalapit ang tropa ng gobyerno sa takot na malagasan na naman sila.

Nitong Abril 19, 2003 ay nakatakas din ang dalawang kasamahan nila sa Jehovah’s Witness na sina Emily Mantic at Cleofe Mantolo.

Magugunita na walong miyembro ng Jehovah na part-time dealer din ng Avon cosmetics ang orihinal na dinukot ng mga bandido sa Bgy. Kaunayan, Patikul noong Agosto 20, 2002.

Dalawa sa kanila na sina Lurimil Mantolo at Leonil Mantic ang pinugutan dalawang araw matapos silang bihagin habang ang dalawa pang mag-asawa ay pinalaya dahil kapwa mga Muslim. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF GROUP

BGY

CLEOFE MANTOLO

DANIEL LUCERO

EMILY MANTIC

FLORA MANTOLO

JOY CANTOS

LEONIL MANTIC

PATIKUL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with