Ang Arabo ay nagpakilalang si Ibrahim Kala at kinausap ni Consul General Marciano Paynor Jr. pero ito ay pinagdudahan.
Sinabi ni Ibrahim na kailangang makapagtayo ito ng sattelite sa mga embahada at konsulado ng Pilipinas batay sa kasunduan umano ng government station National Broadcasting Network (NBN-4) at TV Australia.
Tanging ang ipinakita nito ay papeles na ang mga pangalan nina US Ambassador Albert del Rosario at iba pang opisyal ng konsulada sa Los Angeles, San Francisco at New York.
Dahil sa mukhang Palestino o Jordanian ang cameraman ay agad na nagduda dito ang mga opisyal ng konsulada at maging ang advance party ng Presidential Security Group (PSG).
Agad na nakipag-ugnayan ang PSG sa Secret Service upang matiyak kung may ibang motibo ang nasabing Arabong cameraman.
Sinabi naman ni Paynor na base sa kanyang pakikipag-usap kay Ibrahim ay hindi ito gaanong marunong mag-Ingles.
Nagduda si Paynor at ang PSG dahil wala namang abiso sa kanila at maging sa Office of the Press Secretary hinggil sa pagtatayo ng sattelite sa embahada at konsulada.
Pero agad na inalam ng Malacañang Press Corps kay NBN-4 General Manager Joey Isabelo kung totoong may ugnayan ang TV Australia sa government station ng Pilipinas.
Kinumpirma ni Isabelo na may nilagdaang Memorandum of Agreement ang NBN-4 at TV Australia kung kayat lehitimo ang pagtatayo ng sattelite para sa inilunsad ng NBN World na mismong si Pangulong Arroyo pa ang naglunsad nito noong nakaraang Marso.
Inamin naman ni Isabelo na nagkaroon ito ng pagkukulang dahil hindi agad naitimbre sa mga embahada at konsulada ang nasabing kasunduan at hindi na sana umabot sa nasabing nakaka-alarmang sitwasyon.
Dahil sa nasabing pangyayari ay dito lamang naimpormahan si Paynor at iba pang opisyal at kumalma kasabay ng paglaho ng pagka-alarma sa inakalang sabotahe sa state visit ng Pangulo sa US. (Ulat ni Ely Saludar)