Acting Press Sec., binastos sa LA Airport
May 17, 2003 | 12:00am
LOS ANGELES, California via PLDT - Binastos ng isang custom official si acting Press Secretary Milton Alingod na kabilang sa advance party ni Pangulong Arroyo kaugnay ng state visit nito sa US.
Sa panayam, sinabi ni Alingod na nasagi nang tinutulak nitong cart ang paa ng isang custom official kaya maaring nagalit at ginipit ang acting press secretary. Pinahirapan at ginipit si Alingod at hindi na ito pinalabas ng airport kung saan ito pinapunta para sa umanoy inspeksiyon.
Matapos ituro ng custom official si Alingod sa ibang opisyal ay agad naman itong pinayagan ng lumabas ng airport.
Bukod kay Alingod, kasama rin sa advance party ng Pangulo sina Press Undersec. Carmen Suva, DFA Sec. Blas Ople at media.
Unang pupunta ang Pangulo dito sa LA para harapin ng Filipino community bago ito tumungo sa Washington para sa one-on-one meeting kay Pres. Bush at ang pagbibigay ng isang magarbong state dinner. Mula Washington, bibisita ang Pangulo sa New York City at San Francisco. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest