Sinabi ni Sen. Barbers, chairman ng senate committee on public order and illegal drugs, para maipakita na seryoso ang Arroyo government sa pakikibaka laban sa mga drug traffickers ay dapat ay ihiga na sa lethal injection chamber ang mga convicted drug lords upang makamit ang pagiging drug-free ng bansa.
Binanggit ng mga mambabatas na noong Marcos regime ay binitay sa pamamagitan ng firing squad ang mga drug traffickers tulad ng ginawa noon kay Li Peng.
Aniya, kung ang pagbitay sa mga drug lords ay sa pamamagitan ng firing squad sa harap ng taumbayan ay matatakot ang mga sindikatong ito na magpatuloy sa kanilang illegal drug trade dahil nakikita nilang seryoso ang pamahalaan dito.
Idinagdag pa ni Barbers, matapos ang pagbitay sa pamamagitan ng firing squad kay Li Peng ay mabilis na bumaba ang illegal drug trade sa bansa dahil natatakot silang mahuli at maisunod na bitayin. (Ulat ni Rudy Andal)