^

Bansa

Bombers sa Saudi blast kilala ng Pinoy

-
Kilalang-kilala ng isang overseas Filipino worker (OFW) ang apat na kalalakihang Arabo na pinaniniwalaang nasa likod ng pambobomba sa Westerners’ compound na ikinasawi ng 34 katao kabilang na ang tatlong Pinoy workers sa Riyadh, Saudi Arabia noong Lunes ng gabi.

Sa panayam ng dzMM kahapon ng umaga, isiniwalat ng hindi nagpakilalang OFW na simula pa noong Oktubre 2002 ay sinimulan na siyang irecruit ng apat na Arabo na ipasok ang pampasabog sa pinapasukang kompanyang Saudi Maintenance Co., isang US-Saudi joint venture.

Inaalok siya ng milyong dolyares para lamang maipasok ang hindi nabatid na pampasabog sa naturang compound.

May ilang beses na siyang pinipilit ng apat na Arabo sa labas ng nabanggit na compound hanggang sa huling pagkikita nila noong Abril 2003. Sa takot na patahimikin ay tumatango lamang siya sa apat.

Dalawa sa apat na Arabo ay nagpakilalang sina Ahmed at Akmad at sa unang pagkikita nila ay naikuwento ng mga Arabo ang kalupitan ng mga Kano hanggang sa dumating sa puntong unti-unti siyang hinihimok sa masamang gawain na kanyang tinanggihan.

Idinagdag pa ng OFW na madaling maipasok ang bomba sa nabanggit na compound dahil hindi naman sila sinisita ng mga guwardiyang Arabo habang nakasakay sa van. Hindi binanggit ng OFW kung ilang taon na siyang namamasukan sa nasabing kompanya.

Sinabi ng OFW na kapag naibigay na sa kanya ang milyong dolyares at naipadala sa kanyang pamilya ay saka lamang niya ipapasok ang pampasabog. Pero dahil sa takot na likidahin ng apat ay nagmamadali siyang nagpaalam sa pamunuan ng kompanya para makauwi agad sa bansa.

"Galit nga ang apat na Arabo sa mga Amerikanong kanyang kasama sa trabaho," anang OFW.

Ayon pa sa OFW, kung muli niyang makikita ang apat na Arabong matatalim ang mata ay siguradong maituturo niya.

Nang mabalitaan ng OFW sa mga pahayagan na binomba ang dating pinapasukang kompanya ay nagimbal ito at saka niya naisip na siguradong ang apat na Arabong lumapit sa kanya ay may kinalaman sa malagim na trahedya.

Nangangamba ang OFW na kapag natukoy ang kanyang bahay ng mga kaalyado ng terorista sa bansa ay siguradong malalagay siya sa panganib kasama na ang kanyang pamilya.

Mariing sinabi ng OFW na kung sakaling kailangan ang kanyang tulong na makilala ang mga terorista ay nakahanda siya.

Unang puntirya ng terorista ay ang residential compound ng Al-Hamra at Al-Jadawel partikular ang gusali na tinitirhan ng pamilyang Kano na namamasukan sa US firm Vinnell, ang kompanyang nagsasanay sa Saudi National Guard na pinamumunuan ni Crown Prince Abdullah bin Abdul Aziz. (Ulat ni Mario Basco)

ABDUL AZIZ

APAT

ARABO

ARABONG

CROWN PRINCE ABDULLAH

KANO

MARIO BASCO

OFW

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with