Sa House bill 6014 na inihain ni Iloilo Rep. Narciso Monfort, ipinaliwanag ng solon na mahigit sa 20 bagyo ang dumadaan sa bansa taun-taon at ito ay nangyayari tuwing tag-ulan na nagsisimula sa buwan ng Hunyo. Isa aniya sa laging pinoproblema ng DECS ang suspensiyon ng klase dahil sa matinding pagbaha at buhos ng ulan tuwing may bagyo. Tuwing dumarating din ang bagyo at tag-ulan ay kalimitang ginagamit ang mga pampublikong eskuwelahan bilang mga evacuation at health centers.
Idinagdag ni Monfort na kung kaagad na maisasabatas ay magkakaroon pa ng pagkakataon ang mga magulang na makapaghanda at makapag-ipon ng pera para sa tuition ng kanilang mga anak. (Ulat ni Malou Escudero)