^

Bansa

Panukalang gawing Setyembre ang school opening inihain na

-
Inihain na rin kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na naglalayong gawing Setyembre ang pagbubukas ng klase sa halip na Hunyo.

Sa House bill 6014 na inihain ni Iloilo Rep. Narciso Monfort, ipinaliwanag ng solon na mahigit sa 20 bagyo ang dumadaan sa bansa taun-taon at ito ay nangyayari tuwing tag-ulan na nagsisimula sa buwan ng Hunyo. Isa aniya sa laging pinoproblema ng DECS ang suspensiyon ng klase dahil sa matinding pagbaha at buhos ng ulan tuwing may bagyo. Tuwing dumarating din ang bagyo at tag-ulan ay kalimitang ginagamit ang mga pampublikong eskuwelahan bilang mga evacuation at health centers.

Idinagdag ni Monfort na kung kaagad na maisasabatas ay magkakaroon pa ng pagkakataon ang mga magulang na makapaghanda at makapag-ipon ng pera para sa tuition ng kanilang mga anak. (Ulat ni Malou Escudero)

vuukle comment

HUNYO

IDINAGDAG

ILOILO REP

INIHAIN

ISA

KONGRESO

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU ESCUDERO

NARCISO MONFORT

SA HOUSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with