^

Bansa

Yaman ng BIR official pinasisilip

-
Pinasisiyasat na ng Malacañang sa Presidential Anti-Graft Commission at Office of the Ombudsman ang isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue na may kuwestiyunableng ari-arian na ibinunyag ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ.

Ayon sa PCIJ, may mga opisyal sa BIR ang nagkamal ng hindi maipaliwanag na kayamanan at isa dito ay si Lucien Sayuno, BIR regional director, na anim na buwang inimbestigahan alinsunod sa lifestyle check dahil sa kaduda-dudang pagkamal nito ng kayamanan.

Batay sa report ng PCIJ, umaabot lamang sa P300,000 kada taon ang kinikita ni Sayuno subalit ito ay nakatira sa isang mansion sa Ayala, Alabang na may mga mamahaling sasakyan tulad ng BMW, Ford Expedition at Toyota Land Cruiser.

Ayon naman kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, maaaring gawing panimula ng PAGC at Ombudsman ang report ng PCIJ laban sa nasabing opisyal ng BIR. (Ulat ni Ely Saludar)

AYON

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

ELY SALUDAR

FORD EXPEDITION

INVESTIGATIVE JOURNALISM

LUCIEN SAYUNO

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PHILIPPINE CENTER

PRESIDENTIAL ANTI-GRAFT COMMISSION

PRESIDENTIAL SPOKESMAN IGNACIO BUNYE

TOYOTA LAND CRUISER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with