Ayon kay Calida, ang nasabing taning ay ipinalabas upang agad na maiharap ni Col. Jovito Palparan ang kanyang tauhan na si M/Sgt. Donald Caigas para harapin nito ang reklamong pambubugbog sa isang Brgy. Chairman sa Brgy. Tambong ng naturang lugar.
Si Calida ang itinalaga ni Pangulong Arroyo na mamuno sa Task Force Mindoro kasama sina State Prosecutor Teodore Villanueva at mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Criminal Intelligence Division (NBI-CRID) upang lutasin ang kaso ng pagpatay kay Eden Marcellana, Sec. Gen. ng Karapatan-Southern Tagalog at isang Eddie Gumanoy.
Nilinaw ni Calida na kapag hindi dumating sa itinakdang oras na palugit si Palparan kasama si Caigas ay magsasampa na sila ng mga kasong murder dahil sa pagpatay may Marcellana at Gumanoy at mauling, grave coercion at serious physical injuries sa ginawang pananakit sa punong Brgy. ng Tambong.
Bukod dito, irerekomenda na rin ng DOJ sa Pangulo ang pagsibak sa puwesto at sasampahan din ng kasong administratibo si Col. Juanito Gomez, Officer in Charge (OIC) ng PA 204th Brigade dahil sa umanoy pagtatakip nito sa nasabing kaso at ang kawalan ng kontrol upang mapasuko si Caigas.
Magugunita na hinarang at pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan na pawang nakasuot ng camouflage na pinaniniwalaang mga militar sina Marcellana at Gumanoy sa Sampaguita Road sa Naujan Oriental Mindoro noong Abril 22 ng gabi. (Ulat ni Gemma Amargo)