^

Bansa

NPC elections sa Hunyo 8

-
Itinakda ng Manila Regional Trial Court ang eleksiyon ng National Press Club (NPC) sa Hunyo 8, 2003.

Sa 2-pahinang desisyon ni Judge Artemio Tipon ng RTC Branch 46, gaganapin ang election of officers ng NPC mula ala-una hanggang alas-5 ng hapon at isusunod agad ang bilangan ng balota.

Bukod dito, ang deadline ng payment ng membership dues at filing ng certififcate of candidacy ay sa Mayo 30, 2003.

Iniutos din ng korte na sa Hunyo 3-5 ay kinakailangang iprisinta ng chairman ng NPC election committee at chairman ng membership committee ang listahan ng accredited members ng NPC na kuwalipikadong boboto sa Hunyo 8. Sa Hunyo 6, aaprubahan ng korte ang listahan ng accredited members na boboto.

Ang nasabing desisyon ay ipinalabas ni Tipon base sa petisyon ng mayorya ng NPC board sa pamumuno ni NPC vice president Anthony Giron na gumawa ng twin resolution na humihiling na i-extend ang pagpaparehistro at pagbabayad ng mga miyembro para makaboto. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ANTHONY GIRON

BUKOD

ELLEN FERNANDO

HUNYO

INIUTOS

ITINAKDA

JUDGE ARTEMIO TIPON

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

NATIONAL PRESS CLUB

SA HUNYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with