General sa Abu ransom igisa - GMA
May 9, 2003 | 12:00am
Inatasan ni Pangulong Arroyo sina Defense Secretary Angelo Reyes at Foreign Affairs Secretary Blas Ople na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng Estados Unidos para maimbestigahan ang akusasyon ni Gracia Burnham na nakipagsabwatan umano ang AFP sa grupong Abu Sayyaf sa Sipadan hostage crisis noong 2000.
Sa kanyang librong pinamagatang "In The Presence of My Enemies," inilarawan ni Burnham kung paano nakipagsabwatan ang mga AFP personnel sa mga bandido sa loob ng 377 araw niyang pagkakabihag.
Ibinulgar ni Burnham na isang heneral ang humihingi ng 50 porsiyentong parte sa ransom demand, pero 20% lang ang gustong ibigay ng Abu Sayyaf.
Sa kanyang direktiba kahapon, sinabi ng Pangulo na kailangang pormal na siyasatin ang alegasyong ito ni Mrs. Burnham para mailahad sa publiko ang mga tunay na pangyayari at sampahan ng kaso ang mga mapapatunayang sangkot sa paglabag sa military code of conduct at paglabag sa batas.
Sa kabila ng akusasyong ito ni Mrs. Burnham, inihayag ng Pangulo ang kanyang patuloy na tiwala sa AFP at sa kakayahan ng mga itong lupigin ang Abu Sayyaf.
"I am glad Mrs. Burnham has fully recovered from her painful ordeal and I would like to assure her that justice will be done in this case," anang Pangulo.
Sinabi pa ni Burnham sa kanyang aklat na mismong mga militar ang nagsusuplay sa Abu Sayyaf ng bigas, asukal at iba pang pagkain para sa grupo at sa mga bihag.
Natapos ang libro ni Burnham sa madugong rescue na isinagawa ng militar sa kanila noong June 7, 2002, na ikinamatay ng kanyang asawang si Martin at Pinay nurse na si Ediborah Yap.
Gayunman, nanindigan si Burnham na ang mga sundalo ang nakapatay sa kanyang asawa dahil pinaputukan na agad sila ng mga sundalo bago pa makaposisyon ang ASG.
Ayon naman kay Justice Secretary Simeon Datumanong, hihintayin ng kanyang tanggapan ang pormal na kautusan ni Secretary Reyes upang makapagsimula ng masusing imbestigasyon.
Ipinaliwanag ni Datumanong na kinakailangang makakuha sila ng kopya ng librong isinulat ni Mrs. Burnham upang mabasa at makita dito kung sinong heneral ang posibleng tinutukoy.
Gayunman, iginiit ni Datumanong na hindi maaaring gamitin bilang batayan ang librong isinulat ni Burnham dahil base sa Rules of Court, hindi pinagbabasehan ang mga libro at mga pahayag sa kanilang gagawing imbestigasyon.
Wala ring nakikitang epekto ang Malacañang sa nakatakdang pagbisita ni Pangulong Arroyo sa Amerika ang ibinunyag ni Gracia Burnham sa kanyang sinulat na librong "In the Presence of My Enemies."
Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, ang ganitong mga alegasyon ay hindi naman inaasahang makakaapekto sa magandang relasyon ng RP at US dahil hindi pa naman talagang beripikado ang isyung ito. (Ulat nina Lilia Tolentino at Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest