Sen. Revilla 2 beses na mild-stroke

Dumanas ng dalawang magkasunod na mild stroke kamakailan si Senator Ramon Revilla Sr. at kasalukuyang nagpapagamot ito sa St. Luke’s Hospital sa Quezon City.

Ayon kay Video Regulatory Board (VRB) Chairman Bong Revilla, unang dumanas ng mild stroke ang kanyang ama noong Mayo 2 pagkagaling nito sa Amerika at sumunod ay nitong Mayo 4.

Lumitaw naman sa paunang pagsusuri ng kanyang mga doktor na hindi naman delikado ang sitwasyon ng senador at pinayuhan ito na magkaroon ng kumpletong pahinga habang isasagawa sa mga susunod na araw ang series of medical tests. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments