SARS idinidikit sa mga produkto para mabili

Sinasamantala pa rin ng malalaking korporasyon ang SARS dahil kapansin-pansing halos lahat ng mga produkto ngayon sa pamilihan na maaari nilang iugnay sa SARS ay idinidikit nila sa killer pneumonia para kumita.

Sinabi kahapon ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos na may mga commercials at ads na lumalabas sa media na ginagamit ang SARS sa kabila ng kawalan ng kaugnayan ng produkto sa killer virus.

"Alcohol, aircon, t-shirt, orange juice at herbal products, pati swimming pool, idinidikit nila sa SARS para mabili ang produkto. Sana maiwasan na ang paggamit ng SARS kung wala naman itong relasyon sa produkto," ani Marcos. (Ulat ni Malou Escudero)

Show comments