Ito ang panawagan ni Surigao Rep. Prospero Pichay na nagmungkahi na ipagpaliban muna ang usaping pagkapayapaan hanggang magpakita ng kagustuhan ang MILF na pumasok sa negosasyon at sumunod sa mga patakaran nito.
Sinabi ni Pichay na ginagamit umano ng MILF ang peace talks upang magparami ng tao at armas, na labag sa patakaran ng negosasyon.
Ayon kay Pichay, walang saysay ang peace talks kung di titigil ang MILF sa pag-atake at di sila kakalas sa mga international terrorist organizations na nagsu-suplay sa kanila ng pondo at armas at gumamit ng kanilang mga kampo bilang training ground. Isang pag-aaksaya lamang ng oras kung muling papasok sa isang kasunduan ang gobyerno sa MILF.
Binatikos din ni Pichay ang government peace negotiations dahil pinalalagpas umano nito ang mga paglabag ng MILF sa interim peace accord at sa mga pag-atake nito.
"Ang huling pag-atake ng MILF sa Siocon, Zamboanga del Norte ay nagpapatunay na may mga elemento ng MILF na mga terorista," sabi pa ng solon. (Ulat ni Malou Escudero)