^

Bansa

P50-M sa ulo ng 5 MILF leaders

-
Nag-alok ang pamahalaan ng P50 milyong halaga ng reward para sa ikadarakip ng limang matataas na lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kaugnay sa panibagong pag-atake ng rebeldeng grupo sa Siocon, Zamboanga del Norte na ikinasawi ng 25 katao na karamihan ay sibilyan.

Sinabi ni Presidential Adviser on Mindanao Affairs Jesus Dureza na nagkakaisang pinagtibay sa ginanap na emergency meeting kahapon ng Cabinet Oversight Committee on National Security na lagyan ng P50M ang mga ulo nina MILF chairman Hashim Salamat, MILF spokesman Eid Kabalu, MILF vice chairman for political affairs Ghadzali Jaafar, Al Hadj Murad na pinuno ng sandatahang grupo ng MILF at Ali Mimbantas.

Mahigpit na kinondena ni Pangulong Arroyo ang pag-atake sa Siocon at hinamon ang mga lider ng MILF na isuko ang lahat na may kagagawan ng pag-atake.

Sinabi ng Pangulo na ang ganitong pag-atake ay isang uri ng terorismo at hindi puwedeng maipagkamaling ginawa para isulong ang ideyolohiya ng grupong Muslim.

Sinabi ni Dureza na mananatiling suspindido ang negosasyong pangkapayapaan sa MILF hanggang hindi tumatalima ang grupong rebelde sa kasunduang tigil-putukan.

"Hindi natin puwedeng ikumpromiso ang ganitong mga karahasan at terorismo at ipupursige natin ang pagtugis sa lahat ng may kagagawan ng pag-atakeng ito kahit saan man sila pumunta para magtago," anang Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na hindi makakatagpo ng kutang pagtataguan ang mga ito dito man sa loob ng bansa at mga kalapit na bansa ng Pilipinas. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AL HADJ MURAD

ALI MIMBANTAS

CABINET OVERSIGHT COMMITTEE

EID KABALU

GHADZALI JAAFAR

HASHIM SALAMAT

LILIA TOLENTINO

MILF

PANGULO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with