^

Bansa

Ang buhay, kapangyarihan at pagbagsak ni Saddam

- Ni Ellen Fernando -
Nang umatras ang mga tropa ng Iraq sa Kuwait, hindi pa rin natatapos ang military crisis ng Iraq dahil sa pakikialam ng United Nations Weapon Inspectors sa pamumuno ni UN Sec. General Kofi Anan dahil sa pag-iingat ng mga ito ng mapamuksang armas.

Noong l998, base sa mga resolusyon ng UN na nag-aatas sa Iraq na isuko ng mga ito ang mga natitirang weapons of mass destructions ay nanindigan si Saddam at itangging wala silang itinatagong mapamuksang mga armas.

Disyembre ng nasabing taon ay nagsagawa ang US at Britain ng apat na araw na serye ng air strikes sa Iraqi military at industrial targets.

Nagalit si Saddam kaya nagpahayag ito sa UN na hindi na sila susunod sa anumang kautusan ng UN inspection team.

Nang sumunod na taon, muling nagsagawa ang British at US planes ng mga air strikes sa Iraqi missile launch sites at iba pang targets.

Sa kabila ng pagtuligsa ng Iraqi authorities, ang UN weapons inspectors ay nakasira ng libu-libong chemicial weapons, daang missiles at mga pasilidad bago umalis sa Iraq noong late l998.

Gayunman, naniniwala pa rin ang UN inspectors na may mga naiwan pa at itinatago si Saddam na biological, chemical at nuclear weapons.

Noong 2002, iginiit ni US Pres. George W. Bush na kailangang maidis-armahan ang Iraq sa ilalim na rin ng sinusunod na termino na nagtapos sa Persian Gulf War.

Nobyembre, 2002 ay sumunod rin ang Iraq sa UN resolution na nag-uutos na bumalik ang mga UN inspectors sa Iraq.

Habang noong mga unang buwan ng 2003, muling iginiit ng US ang tahasang paglabag ng Iraq sa UN resolutions dahil sa hindi nito pakikipag-ugnayan sa mga ipinadalang inspectors sa nasabing bansa at ang patuloy na pagtatago sa mga chemical at biological weapons nito.

Dahil dito, bumuo na ng military forces sa Persian Gulf at US at Britain kasama ang suporta ng ibang mga kapanalig na bansa upang giyerahin at disarmahan ang Iraq. (Tatapusin)

GENERAL KOFI ANAN

GEORGE W

IRAQ

NANG

NOONG

PERSIAN GULF

PERSIAN GULF WAR

SADDAM

UNITED NATIONS WEAPON INSPECTORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with