'Wag ma-praning sa SARS - GMA
May 3, 2003 | 12:00am
Umapela kahapon si Pangulong Arroyo sa taumbayan na huwag ma-praning (paranoid) sa SARS dahil ang pagkatakot sa sakit ay higit na mapaminsala kaysa karamdaman mismo.
"Malayung-malayo pa," sabi ng Pangulo patungkol sa kalagayang national emergency ang Pilipinas at hindi pa itinatala ng WHO sa mga bansang dapat iwasan.
Personal na bumisita kahapon ang Pangulo sa Bgy. Vacante, Alcala, Pangasinan at idineklara niyang libre na sa SARS ang bayan ng Alcala pagkaraang ipailalim sa kuwarantina sa loob ng 14 araw ang naturang barangay na siyang pinagmulan ng mag-amang Adela at Mauricio Catalon na kapwa namatay sa SARS.
Pinasalamatan ng Pangulo ang mga residente ng Barangay Vacante dahil sa pagsasakripisyo nila sa loob ng nakaraang dalawang linggo na sila ay hindi nakakalabas ng kani-kanilang tahanan sa pangambang magkaroon sila ng SARS at makahawa sa iba dahil sa pagkakahantad nila sa coronavirus noong panahong buhay pa sina Adela at Mauricio na kanilang nakasalamuha.
Pagkaraan ng kuwarantina, wala ni isa sa mga residente ng barangay ang nagkaroon ng mga sintomas ng SARS.
Sinabi ng Pangulo na ang ipinakitang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga residente ng Bgy. Vacante para masugpo ang SARS ay patunay lamang na makakaahon sa krisis ang bansa kung mayroong pagkakaisa ang bayan.
Kahapon din, pinangunahan ni Pangulong Arroyo ang prayer rally para makaiwas ang bansa sa SARS. Sinamahan siya ng ibat ibang religious leaders. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest