Comprehensive Automated Election System tuloy
May 2, 2003 | 12:00am
Tiniyak ng Comelec na tuloy ang implementasyon ng Comprehensive Automated Election System taliwas sa unang napaulat.
Ayon kay Comelec Chairman Benjamin Abalos, walang batayan ang ulat na papalpak ang implementasyon ng Automated Counting and Canvassing of Votes sa May 10, 2004 dahil sa mga depekto at kahinaan sa bidding procedures ng Bids and Awards Committee (BAC) at sa pagsusuri ng mga makina ng Department of Science and Technology (DOST).
Ang punto ng kontrobersiya ay ang bidding para sa Phase II ng Poll Modernization Program, ang Automated Counting and Canvassing of Votes na ikinontrata ng Comelec sa Mega Pacific Consortium, ang tumalo sa Total Information Management.
"Nagkakaisa ang mga kasapi ng BAC at si Commissioner Resurreccion Borra, na siyang commissioner in charge ng Phase II, na tama ang kanilang pasyang ibigay sa Mega Pacific ang kontrata. Naging bukas at lantad ang bidding at ang technical working group ng BAC ay nakipagtulungan sa DOST sa masusing pagsusuri ng mga technical proposals ng dalawang bidders, upang matiyak na sinunod nila ang mga specifications," sabi ni Abalos.
Ang supply contract para sa mga counting machines para sa buong bansa ay nagkakahalaga ng P1.248 bilyon na ipinanalo ng Mega Pacific, habang ang natalong TIM ay nagsumite ng pinakamataas na tawad na P1.297 bilyon para sa NCR at Mindanao lamang.
Dineklara ng BAC na ang mga counting machines ng TIM ay hindi pasado dahil sa uri ng makina mismo. Ayon sa BAC, hindi nade-detect ng makina ng TIM ang mga balotang nabilang na at di nito napipigil mabilang muli ang mga balotang nabilang na.
Nilinaw ni Abalos na wala pang notice to proceed na ibinigay sa Mega Pacific. Pinapupunta pa ng Comelec si Commissioner Borra at director Jose Tolentino ng administrative services department sa Seoul, South Korea para sa isang ocular inspection ng mga automated counting machines at mga planta at facilities ng kanilang pabrika. Sa kanilang rekomendasyon ibabase ang pagpirma ng kontrata ng Mega Pacific. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest