^

Bansa

Kawalan ng trabaho nag-udyok sa 'Underground Economy'

- Butch M. Quejada -
Sa panahon ngayon, halos lahat ng mga taong walang permanenteng hanapbuhay o nawalan ng trabaho ay nakikitang nagtitinda ng kung anu-ano. Sigarilyo, fishball, isaw, ukay-ukay, barbecue, palamig, ulam. Sambitin ninyo at lahat ay naititinda na. Kasama na rin dito ang mga nagtitinda ng panandaliang aliw dahil sa kawalan ng pagkakakitaan.

Ito ang masaklap na tanawin sa ating lipunan ngayon. Subalit sa isang nagtitinda, gaya ng okoy, turon at iba pa, nagpapasalamat sila na kahit paano ay may pinagkakakitaan at may ipinantatawid-gutom ang mga kaanak.

Base sa mga ginagawang survey sa bawat antas ng mga mamamayan sa lipunan, lumalabas na naging pangangailangan ang tinaguriang "underground economy" o isang sistema o paraan ng hanapbuhay na maaaring makatulong sa kabuhayan ng isang tao, mahirap man o nakatataas ng kaunti. Ito ay walang mga limitasyon na gaya ng ibang mga negosyo.

Bakit nga ba kinakailangan na gawin ito ng karamihan? Wala na ba talagang mapapasukang factory o tanggapan?

Ang kawalan ng hanapbuhay ay nag-uugat sa pagsasara ng mga factory, tanggapan, restaurant, malalaking kumpanya, patahian at kung anu-ano pa.

Amg pagsasara ay bunga ng partisipasyon ng mga grupong makakaliwa na sinisira ang mga negosyo. Papasukin, maliit man o malaki at hihingi ng mga "imposibleng demands" o mga benepisyo para sa mga manggagawa.

Kung magtatagumpay sila, babarikadahan na ang lugar at para bang inangkin na ito. Nakalawit ang mga streamer na pulos tuligsa sa pamahalaan ang nakatitik. Ginagawa nila ito ng pangmatagalan. Para bang matira ang matibay. At tuluyan nang malulugi ang negosyo. (May karugtong)

AMG

BAKIT

GINAGAWA

KASAMA

NAKALAWIT

PAPASUKIN

SAMBITIN

SIGARILYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with