Napilitan ang Iraq na humingi ng suporta sa US na nagbigay ng trade credits at nagsupply rin ng intelligence informations sa Iraqi army sa pamamagitan at tulong ng Kingdom of Saudi Arabia.
Upang magpakita na walang pinapanigan, tumutol ang US mula sa kagustuhan ng mga kaalyado nito lalo na ang France na magbigay ng armas at ibang supply sa Iraq. At sa takot na baka manalo sa giyera ang Iran, mahigpit na inasahan at sumandal ang Iraq sa USSR sa mga military supplies.
Dahil dito, tinanggap na rin ng Iran ang mga suporta galing sa dating mga kalaban.
Ang military sa Iran ay itinayo sa ilalim ng ruling ng pro-American Shah na karamihan sa mga kagamitan nito ay nagmula rin sa US.
Para maging patas, nagbukas pa ang US government ng secret channel para sa pagbebenta ng armas para sa Iran noong l985 kahit na pinipigilan ng ibang pamahalaan na itigil ang military sales sa nasabing bansa.
Idinaan ang kita ng mga ibinebentang armas sa right-wing guerillas sa Nicaragua, kilala bilang contras para magsupply ng armas na gagamitin laban sa mga leftist Nicaraguan regime.
Ang layunin naman ng US sa ibinigay na tulong sa Iran ay kapalit ng pagpapalaya sa mga Amerikanong bihag nito.
Ang secret policy noong l986 ay nagbigay ng matinding pagkadismaya ng ibang bansa sa pamahalaan ni US president Ronald Reagan. (Itutuloy)