Ayon kina Manila Rep. Harry Angping at Bukidnon Rep. Nereus Acosta, chairman at vice-chairman ng House committee on trade and industry, tumaas sa halagang P200-P400 mula sa dating P40 ang presyo ng N-95 special mask. Ang N-95 ang siyang inirekomenda ng World Health Organization (WHO) para hindi mahawa sa SARS dahil kaya nitong harangin ang may 95% ng contaminants.
Samantalang ang simpleng 3-ply dust mask na nagkakahalaga ng P12 dati at tumaas na rin sa P15 hanggang P16.
Ayon kay Angping, maaaring magpalabas ng price control order ang dalawang ahensiya at kung kinakailangan ay magpapasa ang kanyang komite ng resolusyon para dito.
Sinabi naman ni Acosta na dapat na ipadlock ng DTI o DOH ang mga tindahan o kumpiskahin ang mga protective masks na ibinebenta ng mga ito bilang parusa sa pagbebenta ng mahal. (Ulat ni Malou Escudero)