^

Bansa

Price ceiling sa surgical mask isusulong sa Kongreso

-
Upang hindi na maging triple pa ang presyo ng mga protective masks, nanawagan kahapon ang ilang mambabatas sa DTI at DOH na lagyan na ng ceiling ang mga presyo nito kasunod ng report na sinamantala na ng mga negosyante ang isyu sa SARS.

Ayon kina Manila Rep. Harry Angping at Bukidnon Rep. Nereus Acosta, chairman at vice-chairman ng House committee on trade and industry, tumaas sa halagang P200-P400 mula sa dating P40 ang presyo ng N-95 special mask. Ang N-95 ang siyang inirekomenda ng World Health Organization (WHO) para hindi mahawa sa SARS dahil kaya nitong harangin ang may 95% ng contaminants.

Samantalang ang simpleng 3-ply dust mask na nagkakahalaga ng P12 dati at tumaas na rin sa P15 hanggang P16.

Ayon kay Angping, maaaring magpalabas ng price control order ang dalawang ahensiya at kung kinakailangan ay magpapasa ang kanyang komite ng resolusyon para dito.

Sinabi naman ni Acosta na dapat na ipadlock ng DTI o DOH ang mga tindahan o kumpiskahin ang mga protective masks na ibinebenta ng mga ito bilang parusa sa pagbebenta ng mahal. (Ulat ni Malou Escudero)

ACOSTA

ANG N

ANGPING

AYON

BUKIDNON REP

HARRY ANGPING

MALOU ESCUDERO

MANILA REP

NEREUS ACOSTA

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with