Nakuha rin nito ang suportang pinansiyal ng mga oil producing countries sa pananakop at ang kalagayan na makabili ng malalakas na armas.
Ang Iraq-Iran war ay ang naitalang pinakamatagal na giyera sa 20th century na nagsimula noong September 1980 at nagtapos noong Agosto, 1988 matapos na parehong tanggapin ng dalawang magkalabang bansa ang ceasefire na inisponsoran ng United Nations.
Umaabot sa mahigit isang milyong katao ang naitalang namatay at nasugatan sa naturang digmaan.
Base sa rekord, noong Setyembre,1980 ay inabandona ni Saddam ang kanyang 1975 agreement sa Iran at planuhing sakupin ito.
Isang taon lamang ang labanan ay pansamantalang tumigil ang Iraq at nagpahiwatig ng kanilang kagustuhan na ikonsidera ang tigil-putukan subalit ito ay ibinasura ng Iran.
Makalipas ang dalawang taon ng giyera, humanap pa rin ang Iraq ng paraan upang matapos na ang digmaan.
Humingi ng tulong si Saddam sa ibang Arab governments para sa kanilang financial at diplomatic support hanggang sa targetin nito ang Iranian oil industry.
Hinimok din nito na magsagawa ng diplomatic dialogue hanggang sa akusahan ng Iraq ang Iran na sangkot sa regional denomination.
Nanawagan naman ang Iranian government ng revolution sa Iraq.
Tumanggi ang Iran sa kahilingang ceasefire dahil sa paniniwala nilang kaya nilang talunin sa giyera ang Iraq.
Inatake ng Iraq ang Iranian shipping kaya nang gumanti ang Iran hindi lamang ang Iraqi shipping ang kanilang binomba kundi maging ang Kuwait na sinasabing backer ng Iraq.
Ang mga puwersa sa kanluran gaya ng United States at Union Soviet Socialist Republics (USSR) ay tumulong na rin na tumungo sa Persian Gulf upang maprotektahan ang mga mahahalagang shipments ng langis sa Middle East.
Dahil sa tagal ng labanan na inabot ng ilang taon, humina pareho ang mga kagamitang armas ng dalawang nabanggit na bansa kaya maging ang kanilang dating mga kalabang bansa ay nilapitan na rin ng mga ito. (Ulat ni Ellen Fernando)