Ito ang buod ng isinagawang paglulunsad kahapon ng FMD Awareness Campaign na pinangunahan ni Agriculture Secretary Luis Lorenzo Jr. na ginanap sa South Wing Departure Area ng NAIA Centennial Terminal 2.
Ayon kay Lorenzo, pangunahing layunin ng inilunsad na kampanya ang pagbibigay-proteksiyon sa Pilipinas bilang "internationally-recognized freedom zones" ng mabagsik na FMD.
Bunsod nito, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya na mapigilan ang pagpasok sa bansa ng FMD ay inalerto na ng mga awtoridad ang mga paliparan, partikular na sa premier airport laban sa animal disease mula sa mga bansa na pinaghihinalaang may mga kaso ng animal disease tulad ng Pakistan, India, Bangladesh, New Zealand at Australia.
Bukod kina Lorenzo at Dr. Dave Catbagan, hepe ng Animal Quarantine Office ng NAIA, kabilang sa mga dumalo sa isinagawang "ceremonial stepping" ng tinurang "footbath" ay mga top officials ng agrikultura, airport at airline representatives. (Ulat ni Butch Quejada)