Ang Shia Islam ay ang pinakamaraming populasyon sa Iran mula sa pinakamalaking bahagi ng nasabing bansa.
Dahil dito, noong Setyembre, 1980 ay iniurong ni Saddam ang 1975 agreement nito sa Iran hanggang sa planuhin nitong giyerahin at sakupin ito.
Lihim na nakipagkita si Saddam sa mga matataas na opisyal sa Gitnang Silangan upang kunin ang suporta ng mga ito na giyerahin ang Iran.
Unang nagtungo at nakipagpulong si Saddam kay King Hussein sa Amman, Jordan at may posibilidad na nakipag-usap din ito sa tatlong senior agents ng CIA na nasa Jordan noon, hindi upang mang-espiya kundi upang gamitin na listening post ang Jordan sa iba pang bansa sa Middle East.
Kasunod ay tumulak patungo sa Kingdom of Saudi Arabia si Saddam upang ihayag kay King Fahd ang layuning sakupin ang Iran. Nag-stop-over pa umano si Saddam sa Kuwait at nakipag-usap sa mga matataas na opisyal doon. (Itutuloy)