Naniniwala si Masbate Rep. Vida Espinosa na mas marami ang namamatay sa sakit na TB araw-araw kaysa sa killer pneumonia kaya dapat din itong maging prayoridad ng pamahalaan.
Sinabi ng mambabatas na nitong taong 2002 lamang, 51,000 katao (na tinatayang 75 katao isang araw) ang nasawi dahil sa nasabing sakit.
Ayon sa Department ng Health, ang TB ay siyang ika-5 killer disease sa bansa.
Sinabi ng lady solon na isang dahilan sa pagkalat ng nasabing sakit ay ang kamahalan ng gamot at inaccessibility ng mga TB patients. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)