Kabayan Noli di pa hinog kahit nanguna sa survey
April 24, 2003 | 12:00am
Hindi pa kumbinsido ang Palasyo para manukin ng administrasyon si Senador Noli de Castro kahit ito ang nanguna sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) sa mga presidentiables sa 2004.
Sinabi ni Presidential Adviser on Political Affairs Joey Rufino, hindi pa hinog si de Castro dahil kulang pa ang karanasan nito para maluklok sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno, pero maaaring ikonsidera ng administrasyon si de Castro bilang bise presidente.
Aminado si Rufino na patuloy pa ring naghahanap ng pambato ang administrasyon na itatapat sa oposisyon at ang magiging batayan umano ay hindi lamang ang pangunguna sa survey bagkus ay ang karanasan at abilidad sa pagpapatakbo ng pamahalaan.
Batay sa survey, si de Castro ang nanguna bilang presidentiable sa 2004 elections. Sinundan ito ni dating DepEd secretary Raul Roco at action king Fernando Poe Jr. na pumangatlo. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest