Dahil dito, sinimulan niyang makibagay at gapangin ang armed forces sa pamamagitan ng professional soldier relations at una niyang isinagawa ito sa kanyang bayan sa Tikrit.
Itinalaga niyang Army chief of staff ang kanyang bayaw at ilang panahon lang ay ini-appoint naman nito ang sarili bilang General at gaya ng kilalang opisyal ng pamahalaan na si Stalin, naging field marshall ito.
Dahil sa pagmomonitor ng US, maraming ginagawa at hakbang ang Baath Party na labag sa American foreign policy kaya nagsimula ang hindi magandang relasyon ng dalawang bansa.
Nagsimula ito upang magalit si Saddam sa US hanggang sa ipapatay niya lahat ang mga pro-American elements sa kanilang gobyerno at tumayong may pinakamataas na authority sa Iraq bagaman si Bakr pa ang nakaupong Pangulo noon. Simula nito, hindi na rin nakuha ng Iraq ang kumpiyansa ng US at ng Central Intelligence Agency.
Noong 1972, nilagdaan ng Iraq at Soviet Union ang isang "treaty of friendship and cooperation" para sa isang pormal na alliance.
Nais ni Saddam na makuha ang tiwala ng Soviet Union sa pamamagitan ng nilagdaang treaty dahil lamang sa kagustuhang obligahin ang local communist party, sinasabing pinakamalakas na partidong komunista, na makipagtulungan sa Baath Party.
Gayunman, mas gusto ng Russians na makuha ang oportunidad na mahawakan ang Iraq at hiniling sa communist party na makiisa sa Baath Party.
Ang internal alliance ng dalawang bansa ay hindi nagtagal subalit ang external na alyansa ng mga ito ay nanatili dahil na rin sa paniwala ng Soviet Union na mas importante ang Iraq kaysa Egypt. Ikinumpara ang army ng Iraq na mas mahusay at kumpleto sa gamit kaysa sa Egyptian Army. Inisip nila na mapapakinabangan nila ang Iraq pagdating sa gateway patungong Gulf, sa yamang langis.
Noong 1973, umangat ang presyo ng langis dahilan upang magplano ang pamahalaang Iraq na lalong maiangat ang programang pang-ekonomiya sa kanilang bansa kabilang na ang pagpapatayo ng bagong paaralan, unibersidad, hospital at factories. (Itutuloy)