Sundalong Kano initsapwera ni GMA sa Balikatan 03-1
April 22, 2003 | 12:00am
Umatras na ang Malacanãng sa plano nitong isali ang mga sundalong Amerikano sa magkasanib na "military exercise" sa Sulu. Sa ginanap na command conference kahapon, sinabi ng Pangulo na napakahalaga ng Sulu sa pambansang seguridad at kailangang maidaos ang ilang bahagi ng Balikatan sa lugar na ito at iba pang karatig na pook sa Zamboanga.
Subalit dahil sa pagtutol ng mga residente ng Sulu na pagdausan ang kanilang teritoryo ng magkasanib na militar exercise, sinabi ng Pangulo na ang pagsasanay sa Sulu ay itutuon lang sa pagpapahusay sa kakayahan sa intelligence.
"Magaganap ang Balikatan sa Luzon at sa ilang bayan ng Mindanao kabilang na ang Sulu. However, I have instructed that no American soldiers will be on the ground in Sulu. The focus will be on intelligence fusion, humanitarian assistance and treatment of wounded soldiers," anang Pangulo.
Sinabi ng Pangulo na importante para sa mga sundalong Pilipino ang Balikatan dahil huhusay sa laban ang mga lokal na sundalo. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended