Nurse patay sa SARS sa San Lazaro Hospital
April 22, 2003 | 12:00am
Naalarma ngayon ang Department of Health (DOH) dahil sa 254 katao na maaaring nahawahan ng Filipina nurse mula Canada na nasawi sa San Lazaro Hospital noong Lunes Santo dahil sa severe acute respiratory syndrome (SARS).
Sa pulong balitaan kahapon, kinumpirma ni Health Sec. Manuel Dayrit ang pagkasawi ni Adela Catalon, 46, nursing attendant, makaraang lumabas sa autopsy ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na positibo ito sa SARS virus.
Dumating sa bansa si Catalon, isang Canadian citizen, noong Abril 4 mula sa Toronto, Canada para bisitahin ang ama niya sa bayan ng Alcala, Pangasinan at hanapan ng doktor dahil may sakit na cancer ito.
Ipinasok si Catalon sa San Lazaro Hospital noong Abril 12 dahil nakaramdam ito ng mga sintomas ng SARS, ngunit makalipas ang dalawang araw ay namatay ito.
Ayon kay Dayrit, nakuha ni Catalon ang kanyang sakit sa ina ng kanyang roomate na pinangalanan nilang DC sa Toronto na positibo din sa SARS, habang nakuha naman ng ina ni DC ang sakit sa isang Pinoy doctor na namatay na rin sa nasabing virus noong Biyernes Santo sa North York General Hospital sa Canada.
Sinabi ni Dayrit na mula ng makauwi ng bansa si Catalon, umabot na sa 200 ang na-"casual contact" nito dahil nagtungo ito sa mga lalawigan ng Pangasinan, Tarlac, Baguio at Metro Manila.
Samantala, 54 katao sa "close contact" ni Catalon na pawang mga kamag-anak nito ang binabantayan ngayon ng DOH. Kasama dito ang kanyang ama, driver, isang sanggol at 11-anyos na bata na kapitbahay nito na naka-confine ngayon sa RITM dahil positibo na ang mga ito sa sintomas ng SARS.
Kasabay nito, nanawagan ang DOH sa 200 kataong nakahalubilo ni Catalon na magtungo na sa mga doktor at magpasuri kung positibo sila sa sakit na SARS upang hindi na makahawa pa ng ibang tao.
"Alam ninyo kung sinu-sino kayo kaya pinapayuhan namin na magtungo kaagad kayo sa pagamutan," ani Dayrit.
Sa ngayon hindi pa rin tuwirang inaamin ng DOH na may positibong kaso na ng SARS sa bansa dahil wala pa ang resulta ng mga blood samples nina Catalon at ang 64-anyos na German national na sinasabing gumaling na sa SARS, na ipinadala sa Japan upang masusing masuri ng mga dalubhasa doon kung positibo talaga sa virus.
Ang kaso ni AC ang kauna-unahang naitala ng WHO sa probable case ng SARS sa Pilipinas habang tatlong Pilipino na ang nasasawi sa ibang bansa na kinilalang sina Adela Dalingay na isang domestic helper sa HK, ang doktor na nasawi sa Canada at si Eulalio Samson na miyembro ng Bukas Loob sa Diyos charismatic group na namatay noong Abril 1 sa Toronto na pasyente ng namatay na doktor. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest